Una sa Balita

Pokwang nilayasan ng anak

0 1,662

Naaaliw ang maraming netizens­ sa mga ipino-post ni Pokwang sa kanyang Instagram account (@itspokwang27) na video ng anak niyang si Malia O’Brian.

Kung anu-anong kadramahan kasi ang ginagawa ni Pokwang sa anak na nakakapag-feel good sa kanyang follo­wers.

Ang recent post nga ni Pokwang ay ang video kung saan ‘lumayas’ na raw si Malia at sa kapitbahay nilang si Paolo Ballesteros nagpunta. Sa video na ‘yon, halatang aliw na aliw naman si Paolo kay Malia.

Parang type na type rin naman ng anak ni Pokwang ang isa sa mga host ng ‘Eat Bulaga’. Bilang magkapitbahay nga pala, madalas na magbigayan ng pagkain sina Pokwang at Paolo.

Mas panalo nga lang si Paolo dahil madalas ay ipinagluluto talaga­ siya ng pagkain ni Pokwang.­ Bukod sa mahilig magluto,­ masarap talaga­ ang mga putahe ng comedienne,­ huh!

Martin, Pops bonding sa US naunsyami

Two weekends na nasa TFC (The Filipino Channel) event sa San Francisco, California si Martin Nievera at enjoy raw ang Concert King sa pamamasyal around California sa kanyang free days.

Ang alam ko, pa­punta ng Los Angeles­ si Martin dahil ipapasyal uli sa Disneyland ang anak na si Santino.

Sayang nga lang at nakabalik na ng Pilipinas si Pops Fernandez, pagkakataon na sana na makapag-bonding sila sa L.A. dahil kahit naman mag-ex sila ay friends pa rin ang dalawa.

Next weekend, nasa Bay Area uli si Martin at kasama naman niya si Darren Espanto para sa isa na namang TFC event at after, sa Canada naman sila.

Hotel ni Kris alam ng mga Pinoy sa US

Aba, kahit mara­ming nang-iintrigang less than five minutes ang participation ni Kris Aquino sa Hollywood movie na ‘Crazy Rich Asians’, napakarami namang kasama ni Kris Aquino­ nagpunta ng Los Angeles,­ California para sa red carpet premiere ng movie bukas, huh!

Noong dumating nga sila, ang alam ko ay lima lang silang duma­ting, pero may dalawang kasama sila na sa ibang airlines sumakay at may iba pa na sumunod lang.

Meron din kasa-kasama si Kris na based sa L.A., ‘noh? Ang bongga!

Oo nga pala, naaliw ako dahil sa sinasabing lihim daw kung saang hotel naka-stay si Kris dahill nga umiiwas na ma-stalk uli, pero lahat naman ng nakakatsikahan ko ay alam na sa isang hotel sa Beverly Hills na nagsisimula sa M nandoon ang nanay nina Josh at Bimby, huh

May misis nga ng isang politician­ na nakita ko sa Beverly­ Hills ang nag-dia­logue sa akin na, “Nandito si Kris, sa M_______ siya naka-stay!”

Well… ‘Yan na lang daw ang nasabi ko, ‘noh? Hehehe!