Una sa Balita

Pokwang ginamit sa Human Trafficking

0 903

Kung nagkataon, baka ‘ma-ban’ o baka makulong pa si Pokwang kapag tuluyan siyang na-involved sa isang iligal na gawain, ha!

Mabuti na lang at maaga pa lang ay natunugan na ito ni Pokwang, kaya nakaiwas pa siya. Kung nagkataon talaga, baka matulad siya sa ibang artista na hindi na pinapa­yagang makapunta sa ibang bansa.

Anyway, heto nga ang galit na galit na post ni Pokwang:

“WARNING!!! Wag niyo gamitin ang pa­ngalan ko at palalabasin niyo na kasama sa entourage ko ang mga taong ipapasok niyo sa Toronto Canada sa darating na April!!!

“Malinaw na illegal recruitment ‘yan!! Meron akong video ng taong ito at napakalinaw sa video na binanggit niya ang name ko na kunwari palalabasin niyo na kasama sa entourage ko ang na-recruit niyo na kawawa naman dahil magbabayad sa inyo???

“Malapit ka nang sumikat, wait lang ha!! Baka may mga kamag-anak kayo na nag-a-apply ng student visa sa Canada huwag kayong maniwala.

“Soon ilalabas ko ang video ng mga taong ito!! Huwag nyong gamitin name ko utang na loob! Malinis akong naghahanap buhay para sa pamilya ko, ‘wag niyo akong idamay!!!

“Mga P%#tang ina nyo!!! Tigilan niyo ‘yan meron akong video niyo na isang kaibigan ang nag-forward sa akin at concern! At muntik niyo na siya mabiktima na hayop ka ang tanda mo na manggagancho ka na hayop ka!!” sabi ni Pokwang, kasunod ang pagta-tag sa @united_canadian_embassy @philippinecanadianinquirer.

May mga netizen nga na gustong tumulong kay Pokwang, dahil malinaw na human trafficking ang planong ito, na gusto ngang isangkot ang komedyana.

Sabi ni pinkish2017: “Hi Pokwang do you know her full name so I can put her in the red flag. I work for US State Dept here in Toronto but I have a lot of contacts with CBSA and CIC since we work together hand in hand.”

Na sinagot naman ni Pokwang sa pamamagitan ng direct message.

Marami rin ang humiling kay Pokwang na pangalanan na ang mga tao na gusto siyang isangkot sa iligal na gawain, para maiwasan na raw nila.
Pero, sabi nga ni Pokwang, ang mga media, o sa mga balita na lang niya sasabihin ang lahat.

Well, hindi na bago ang ganyan, ha! Again, may mga kakilala kami noon na walang kamalay-malay na nagamit pala sila sa human trafficking.
Kaya sa mga artista, dobleng ingat ang gawin lalo na sa mga ganitong raket. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy