Una sa Balita

Pokwang binanatan ang MMDA, mga cinema owner

0 570

Nagpatutsada, tumalak si Pokwang sa MMDA authorities para kondenahin ang pagbabaklas ng ilang mga pelikula sa mga sinehan sa ikatlong araw pa lamang ng MMFF 2019.

Idinaan ni Pokwang ang kanyang panawagan sa Facebook account, pati na rin sa Twitter. Giit nga niya, hindi dapat tinanggal agad ang mga pelikulang “Mindanao” at “Culion” sa maraming sinehan dahil ito lamang ang mga pelikulang nagpapakita ng kultura at ibang bahagi ng history ng Pilipinas.

Nag-suggest pa ito na bawat mall sa buong Pilipinas ay maglaan ng isang sinehan para sa mga kagaya ng nabanggit na mga pelikula. ‘Pag tumanggi ang mga ito, hindi lalagyan ng mga malalakas na pelikula ang kanilang mga sinehan.

Binanatan ni Pokwang ang mga sinehan, pati na ang MMDA na huwag pera-pera lang ang isipin ng mga ito kundi ang kapakanan ng mga filmmaker na nagpakahirap at gumastos para lang makabuo ng pelikulang tulad ng mga nabanggit.

Ayon pa sa kanya, sana ay magkaroon ng dialogue ang MMDA at ang mga sinehan tungkol sa usapin ng mga art film sa MMFF.

“Yes good morning po @MMDA actors guild pano na po ang ating industriya? Again basa muna ng mabuti ha bago humusga, bato bato sa langit tamaan edi aray!” sabi ni Pokwang.

Sinuportahan naman si Pokwang ng kanyang mga follower sa ipinaglalaban nito.

Si Pokwang ay kasama sa cast ng “Mission Unstapabol: The Don Identity”, na entry sa MMFF 2019 at pinagbibidahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Jake Cuenca.

Kakai Bautista naloka sa binaboy na Rizal Park

Gumuho ang mundo ng komedyanteng si Kakai Bautista sa isang larawang ni-retweet niya sa kanyang Twitter. Ito ay ang photo ng Rizal Park na punong-puno ng mga plastic at pinag-iwanang basura ng mga taong namasyal nitong Pasko.

Malinaw na makikita sa larawan ang mga kalat na pumuno halos sa damuhan ng park, malapit sa monumento ni Rizal. Pinaalalahanan ni Kakai ang mga Pinoy sa balikong ugali ng mga ito na kailangan na ngang baguhin lalo na ang pagkakaroon ng disiplina.

“Gusto natin ng maraming pagbabago pero ayaw nating madisiplina ayaw natin nasisita. Ayaw natin napapansin. Ayaw nating makinig. Hay 2020 na. Juskow naman po,” sabi ni Kakai.

Umayon ang mga follower ni Kakai sa mensahe ng mga ito na nadismaya rin sa kalat sa parke na kilala rin na Luneta.

Mga negosyo ni Juday lalong lumago

Sa mga negosyo pa lang niya, kahit hindi na mag-artista si Judy Ann Santos ay mabubuhay na siya nang marangya. Sa pinost ng drama queen sa kanyang Instagram sa thanksgiving Christmas party ng kanyang mga empleyado, sinabi niyang apat ang kanilang business na nagsimula sampung taon na ang nakalipas.

Nagsimula lang daw sa maliit hanggang sa lumaki at tumatagal ang mga ito. Kaya nagbigay ng thanksgiving party si Juday sa kanyang mga staff na nakasama na niya noon pa man.

Nag-imbita ng pari si Juday at doon na mismo nagpa-misa sa party.

Mexican-themed ang motif ng Christmas party ni Juday na makikita sa mga photo na pinost niya sa Instagram.

Vice Ganda ‘di ginagamit ang sariling lipstick line

Ibinuko ni Anne Curtis na hindi sariling lipstick line ni Vice Ganda ang gamit-gamit nito sa kanilang pelikulang “The Mall, The Merrier” na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan.

Pinalabas ni Anne na hindi ginamit ni Vice ang Vice lipstick line nito, kundi ang kanyang lipstick line na BLK sa eksena nila.

Nagtanong ang isang follower ni Anne sa Twitter kung ano ang lipstick na gamit ni Vice sa eksena nila. Gandang-ganda ang fan sa labi ni Vice habang pinapanood niya. Walang kaabog-abog na sumagot naman si Anne at ipinagmalaking lipstick line niya ang ginamit ng kaibigan.

Hindi maganda para sa negosyo ni Vice ang malaman ng madlang pipol na mismong siya ay hindi tinatangkilik ang sarili niyang brand.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More