Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pokwang biktima ng mandurugas

0 148

Tila naloko at naglaho na lang ang pera ni Pokwang sa ibinahagi nitong karanasan sa Twitter. Masama ang loob at disappointed si Pokwang sa ibinigay niyang tiwala sa isang supplier na wala siyang napala sa ipinagawa nito.

“Pinatawad ko nalang! Ayoko na magalit at mapagod. Siguro nga nagalaw na nila pera ko pero wala silang maipakitang gawa sa order ko. Sana makatulong sa pamilya nyo ang pera ko, pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo nalang at sana maiayos nyo buhay nyo. God bless,” sabi ni Pokwang.

Hindi na dinitalye pa ni Pokwang ang yamot nito sa tinutukoy sa tweet, kaya naman nagtatanong ang mga follower nito kung para ba ito sa kanyang online business. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.