Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pogoy, TNT akyat sa finals

0 117

RUMESPONDE si Roger Ray ‘RR’ Pogoy sa oras ng kagipitan upang bidahan ang TNT sa paglaklak sa San Miguel Beer, 97-79 sa semifinals knockout Game 7 at sakupin ang second finals slot ng 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga Linggo ng gabi.

Nagtala ang 29-anyos, 6-2 ang taas at three-time All-Star guard-forward ng 27 points at tig-2 rebound at 2 assist para itakda ang pakikipagbuno ng top seed Tropang Giga kontra sa first finalist at third seed Magnolia Pambansang Manok sa linggong ito.

“Sa totoo lang sa four years ko sa PBA, lagi kaming natatalo sa San Miguel. Sobrang daming motivation coming into this game. Kahit isa lang sana, matalo namin sila. Wala pa sa isip namin ang championship. Nasa isip lang talaga namin kanina talunin ang SMB,” litanya ni Pogoy.

Nag-ambag si rookie Mikey Williams ng 20 markers, 8 rebounds at 6 assists habang may 12 puntos si Jeth Troy Rosario, at 11 si Kelly Williams sa team na naghabol sa walong puntos na pagkaiwan at lumamang ng 26 sa labanan.

“We told the players, if you had played throughout the series without the main center, and back-up center, injured with cheekbone, I told them let’s move forward. The players bought into it and believe. They came with good results and they make my job done, So fortunate to be in the finals. The job is half done. There is still a huge, huge mountain to climb,” bulalas ni winning coach Vincent ‘Chot’ Reyes.

May 22 pts. at 16 rebs. si June Mar Fajardo para sa fourth seed Beermen. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.