Una sa Balita

Pogoy, Pringle ginulpi ang Brazil, 15-7

By
0 1,622

Dominanteng ­porma ang ipinamalas ng 19th seed Gilas 3×3 squad nang pabagsakin ang 6th seed Brazil, 15-7, sa kanilang unang laro sa FIBA 3×3 World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan Sabado ng hapon.

Unang nakabutas si Brazilian forward Luiz Soriani ngunit hindi nagpatinag ang Gilas nang magpakawala ng dalawang sunod na tres si TNT gunner Roger Pogoy sa unang dala­wang minuto ng laro.

Sinundan pa ito ni GlobalPort guard Stanley Pringle nang linla­ngin ang depensa ng Brazil para sa magka­sunod na layup upang itarak ang 8-0 run sa iskor na 1-8.

Abante Hiring – IT dep

Nagpatuloy pa ang pananalasa ni Pringle na tuluyang sinelyuhan ang panalo para sa ­Gilas nang muling iwanan ang kanyang bantay para sa back-to-back layup sa huling dala­wang minuto.

Sumasabak na sa ikalawang laban ang Gilas kontra Mongolia alas-6:40 Sabado ng gabi.