Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pogoy paghuhukay ng lupa pakondisyon

0 70

AKTIBO sa paglilingkod sa kanilang simbahan ang star ng TNT Tropang Giga na si Roger Ray Pogoy.

Madalas nitong ibahagi sa social media ang kanilang mga gawain sa simbahan.

Minsan ay nagbibigay rin ito ng kanyang life testimony, pumalo pa ito ng drums kasama ang kanyang mga churcmate.

Ngayon naman ay ibang klaseng commitment ang ibinigay ni Pogoy sa kanilang simbahan sa Cebu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama ito na naghuhukay ng lupa para sa itatayong simbahan sa Talisay, Cebu na First Assembly of God.

Ibinahagi ng nobya nitong si Love Lynn ang video kung saan katulong si Pogoy na nagpapala ng lupa, hirit nito, “@rrpogoy16’s workout.”

Hindi lang masipag si Pogoy sa loob ng court kundi maging sa paglilingkod sa Diyos. (Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.