Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pogoy nilunod Batang Pier

0 99

Mga Laro Ngayon: (Araneta Coliseum)
5:15pm — Meralco vs Blackwater
7:15pm — Phoenix vs NLEX

ISINALPAK ni Jayson Castro ang krusyal na tres upang tulungan si Roger Rey ‘RR’ Pogoy na isalba sa pagkulapso at bitbitin ang TNT Tropang Giga sa quarterfinals sa paghugot ng 117-112 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa eliminasyon ng 2022 PBA Philippine sa Araneta Coliseum kahapon.

Buong tatag na ipinasok ni Castro sa natitirang 38 segundo ang isang tres na nagbalik sa Batang Pier sa apat na puntos na abante sa 114-110 matapos na mawala ang itinala nitong 13 puntos na abante nang makalapit ang Batang Pier sa isang puntos na lamang sa 111-110.

Pinamunuan ni Pogoy ang Batang Pier sa itinala nitong kabuuang 22 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals habang nag-ambag si Mikey Williams ng 27 puntos at 7 rebounds para sa Tropang Giga na nasungkit ang isang silya sa quarterfinals sa kabuuan nitong kartada na 6-2 panalo-talo.

Nag-ambag naman si Castro ng 17 puntos, 8 assists at 2 steals habang may 17 din si Poy Erram dagdag ang 14 rebounds, 1 assist, 1 steal at 2 blocks.

Nakamit din ng TNT ang ikaapat na sunod na panalo habang nahulog ang NorthPort sa 2-4 panalo-talo karta at ikaapat na sunod na kabiguan.

Itinala ng Tropang Giga ang pinakamataaas nitong abante sa 97-84 sa ikaapat na yugto mula sa isang tres ni Glen Khobuntin matapos ang naging mahigpitan na unang tatlong yugto na huling nagtabla sa 76-all. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.