Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pogoy 2 beses natapilok

0 102

HINDI isa, dalawang beses natapilok sa parehong paa si TNT gunner RR Pogoy sa tambakang 107-88 win ng Tropang Giga kontra San Miguel Beer Biyernes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles.

Sa iisang parte pa nagka-injury ang sniper – sa kaliwang paa.

Unang bumagsak si Pogoy 3 ½ minutes pa sa third nang lumanding sa paa ni SMB forward Gelo Alolino matapos bumitaw ng jumper.

Napituhan ng flagrant foul 1 si Alolino.

SM food to go Banner Ad

Nanatili sa laro si Pogoy, pero wala pang isang minuto sa final period ay naitapak na naman ang injured foot nang tangkaing habulin si Marcio Lassiter.

Kinailangang buhatin ng mga kakampi si Pogoy papunta sa bench. Hindi na siya nakabalik, tumapos ng 15 points mula 6 of 12 shooting.

“He sprained his ankle but hopefully, it’s not severe and we’ll see how it is,” ani TNT coach Bong Ravena.

Pangalawa si Pogoy sa casualty ng Tropang Giga, naunang iginupo ng heel injury si rookie Kib Montalbo sa first game lang bilang pro noong Linggo, ang 100-95 win ng TNT sa Alaska. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.