Una sa Balita

Pogi na, mayaman pa: Kiray jackpot sa dyowa

0 772

Ni Dondon Sermino

Kinaiinggitan ngayon si Kiray Celis, dahil nga sa kanyang love life. Ang bongga nga kasi ng komedyana, dahil hindi basta-basta ang dyowa niya, ha!

Imagine, bukod sa guwapo na ang lalaki, bongga pa ang negosyo nito. At may ibang career pa ang lalaki, ha!

Kaya naman si Kiray, buong ningning na ipinangalandakan sa kanyang Instagram ang mga larawan nila ng dyowa niya.

“Aside sa Papa, Kuya at Kapatid ko.. isa sa pinaka Hardworking na kilala ko. Happy father’s day, Boss @inandibasco!” sabi ni Kiray.

Siyempre, katakot-takot na komento ang mababasa mo sa mga photo ni Kiray, na ang iba ay nagsasabi ngang talong-talo sila sa ganda ng aktres.

Hindi rin itinanggi ni Kiray na ang dyowa niya nga-yon ay may mga anak na. At makikita rin naman ‘yon sa Instagram account ng lalaki.

Suwerte nga ni Kiray, dahil bukod sa bongga ang love life niya, ang saya rin ng career niya sa GMA-7, ha! ‘Di ba nga, bidang-bida siya sa “Daig Kayo Ng Lola Ko,” na kung saan ay gumaganap siyang si Super Kiriray.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy