Una sa Balita

POEA nagbabala vs pekeng dokumento

By
0 1,376

Mahigpit na ibinabala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na huwag magsumite ng huwad o pekeng dokumento sa kanilang aplikasyon sa ahensya.

Sa ibinabang advisory ng ahensiya, iginiit nito ang mga paulit-ulit na babala dahil na rin sa reklamo ng mga dayuhang employer sa mga peke o mga binagong certificate of employment ng mga OFW na napadala sa Gitnang Silangan at iba pang mga bansa.

Sangkot umano ilang recruitment agencies sa pamemeke ng mga dokumento gaya ng certificate of employment upang palabasin na sumailalim sa kinakailangang pagsasanay ang isang aplikante na requirement ng mga employer.

Dahil dito nalalagay sa peligro ang kapakanan ng isang overseas Filipino worker (OFW) at aglalantad sila sa posibleng deportasyon, detensyon at pag-blacklist.

Bunsod nito, winarningan din ang lahat ng lisensiyadong recruitment agencies na sundin ang legal na polisiya sa pagha-hire at pagpapadala ng Pinoy workers sa ibang bansa.

Pinag-iingat din ng POEA ang placement agencies na ipatupad ang wastong pagpapatunay sa pagiging totoo ng mga dokumento na isinumite ng mga aplikante sa trabaho.