Una sa Balita

POEA: Libong caregiver kailangan sa Japan

By
0 333

Dapat samantalahin ng mga caregiver na nagnanais makapagtrabaho sa Japan ang oportunidad na naghihintay sa 300 hanggang 1,000 na kinakailangan ng naturang bansa nga­yong taon.

Ang mga interesadong aplikante na nais magtrabaho sa Japan ay maghanda na ng mga kaukulang dokumento.

Sa impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), natapos na ang binuong guidelines sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP) ng Japan.

Umaasang malalagdaan na ang guidelines sa darating na susunod na buwan at susundan na ito ng pagbuo ng standard contract at mga job order.

Sa taon pa lamang ng 2018 nangangaila­ngan na ng 300 hanggang 1,000 Pinoy care workers at inaasahang madadagdagan pa ito sa susunod na taon.