Una sa Balita

POEA: 50 nurse, 300 care worker kailangan sa Germany

0 131

NAGHAHANAP din ng 50 nurse at 300 na care worker ang bansang Germany, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon sa abiso ng POEA, ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng mga requirement sa kanilang website.

Ayon sa POEA, aabot ng 2,000 euros o mahigit P100,000 ang sasahurin ng matatanggap.

Kabilang sa hina­hanap ay ang mga nagsipagtapos ng Bachelor of Science in Nursing at lisensiyado ng PRC, mayroong dalawang taon na karanasan sa propesyon at dapat handang sumailalim sa German Language Training.

Una nito, inanunsyo din ng POEA na ang bansang Japan ay nangangailangan din ng 50 nurse at 300 care worker. (Mina ­Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy