Una sa Balita

Poe, Villar gitgitan sa SWS

0 613

Halos magkadikit sina Senador Cynthia Villar at Senador Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Wea­ther Station (SWS) na isinagawa limang buwan bago ang midterm elections.

Nakakuha si Villar ng 62%, katumbas ng tinatayang 37 milyong boto, kadikit si Poe na nagtamo ng 60% o tinatayang 36.4 milyong boto.

Magkakapantay sina Taguig Rep. Pia Cayetano, Senador Sonny Angara at Senador Nancy Binay, na pawang nakakuha ng 40% sa survey sa 1,500 katao na tinanong nang harapan na isinagawa mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 19.

Solong pang-anim naman ang aktor at dating senador na si Lito Lapid na nagtamo ng 38%, nasa No. 7 at No. 8 sina Senador Aquilino Pimentel III at da­ting senador Jinggoy Estrada na kapwa nakakuha ng 43% voting preference.

Nasa No. 10 spot si dating senador Mar Roxas na may 28% kasunod si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na may 27%. Pumuwestong ika-12 si Senador Joseph Victor Ejercito na may natamong 27% katumbas ng mahigit 15 milyong boto.

Nasa 13th at 14th places sina dating senador Serge Osmeña at Senador Paolo Benigno Aquino IV, samantalang magkasunod sa 15th hanggang 16th places sina dating special assistant to the President Christopher Go at Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa.

Magkapantay sina dating presidential political affairs adviser at dating Senate president Juan Ponce Enrile na kapwa nagtamo ng 16% sa voting preferences.

May margin of error na plus o minus 3% ang survey ng SWS na kadalasang nagiging basehan sa pagboto ng mga mamamayan sa nalalapit na halalan.