Una sa Balita

Poe nagpasalamat sa mahigit 22M boto

0 256

Makaraan ang proklamasyon kahapon ng 12 nagwaging senador, muling nagpasa­lamat si Sen. Grace Poe sa mahigit 22 milyong botong natamo niya sa nakaraang eleksyon lalo’t tumakbo siyang independiyente at walang pag-endorso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Siyempre masaya at talagang punong-puno ng pasasalamat sa ating mga kababayan, na kahit na walang partido, independent, ay nakaraos din tayo; maraming salamat. At siyempre nandito ang asawa ko, ang nanay ko at ‘yung anak ko, kaya meaningful sa akin (ang panalong ito),” ani Poe.

Nangako si Poe na magiging independi­yente siya sa Senado at magsasalita kung may dapat sabihin sa mga sablay sa gobyerno.

“Patuloy pa rin ang ating trabaho at sisikapin ko talaga na sana magkaroon ng mas balanseng pana­naw din ang Senado. Bilang isang independent candidate, gano’n ang aking tatahakin,” diin ng senadora.

“Kung makakatulong sa administrasyon, tutulungan natin, pero sa tingin ko, panahon na rin na ‘pag mayroon din tayong nakikita na maaari nating baguhin, ay magsalita.”

Inamin ni Poe na gusto niyang hawakan ang Senate Blue Ribbon Committee chairmanship kung magiging available pero sapat pa rin sa kanya ang komite sa public services.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy