Una sa Balita

Pocari tinisod ang Air Force, Game 3 hinirit

By
Todo-ngiti si Grethcel Soltones ng BaliPure nang tanggapin ang MVP trophy kahapon sa Shakey’s V-league sa Philsports Arena sa Pasig. (Patrick Adalin)
0 3

Laro bukas: (PhilSports Arena, Pasig City)
6 p.m. — Pocari vs Air Force

Tinisod ng Pocari Sweat ang Air Force para makahirit ng winner-take-all Game 3 matapos rumesbak mula sa opening set deficit nang walisin ang sumu­nod na tatlong sets, 17-25, 25-22, 25-14, 25-20, kagabi sa Shakey’s V-league Season 13 Open Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Humugot si Myla Pablo ng 19 hits, kasama ang 17 attack points, para pangunahan ang Lady Warriors.

“They played with composure which was lacking in our previous game,” lahad ni Pocari coach interim coach Rommel Abella.

Samantala, dominado ng Pocari Sweat ang 13th V-League Open Conference individual awards pero napunta sa BaliPure ang dalawang pinakamataas na individual honors kahapon.

Sinikwat ni Gretchel Soltones ang Most Valuable Player, (MVP) habang ang teammate niya sa BaliPure na si volleyball superstar Alyssa Valdez ay hinirang na 1st Best Outside Open Spiker.

Tatlong Lady Warriors ang sumungkit ng special awards ito’y sina Power-hitting Myla Pablo (2nd Best Open Spiker), skipper Michele Gumabao (Best Opposite Spiker) at Melissa Gohing (Best Libero).

Nagtulong sina Pablo, Gumabao at Gohing upang bitbitin ang Pocari Sweat sa Finals laban sa Air Force.

Nasilo naman nina Jaja Santiago ng National University at Kathy Bersola ng University of the Philippines ang 1st at 2nd Best Middle Blocker citations, ayon sa pagkakasunod.

Kinabig ni veteran playmaker Wendy Semana ng Philippine Air Force ang Best Setter.

Samantala, tinapos ng Water Defenders ang Laoag Power Smashers, 25-27, 25-22, 25-23, 25-19, upang angkinin ang third place sa kanilang best-of-three battle for third series na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Pinasan ni conference MVP Soltones ang BaliPure, pinangunahan nito ang apat pang Water defenders na tumikada ng double-digit score para punan ang opensang iniwanan ni Valdez na nag­laro sa ASEAN University Games sa Singapore.

Bumira si Soltones ng 18 points kasama ang 14 kills habang tumapos si Amy Ahomiro ng 15 points at five blocks.

Nirehistro ni Janine Marciano ang 12 puntos kasama ang walong eight excellent receptions habang mau inambag sina Dzi Gervacio at Mae Tajima ng 11 at 10 pts.

Double celebration naman para kay Valdez dahil nakopo ng Team UAAP-Philippines ang bronze medal sa AUG.

Sa Game 1 kinalos ng BaliPure ang Laoag, 23-25, 25-21, 25-21, 19-25, 15-11.