Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

POC pinal na desisyon, Juico ‘persona non grata’

0 199

NIRATIPIKAHAN ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang desisyon ng Executive Board nito na pagdedeklara sa pangulo ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) na si Philip Ella Juico bilang persona non grata sa asosasyon.

Ito ay matapos na kabuuang 36 national sports association (NSAs) ang bumoto pabor sa resulta ng imbesitgasyon ng POC Ethics Commttiee sa naging usapin sa pagitan ni Juico bilang pangulo ng Patafa at atleta nito sa pole vault na si Ernest John “EJ” Obiena.

Lima ang hindi pabor na kinabibilangan ng wushu, weightlifting, squash, hockey at athletics habang 10 ang hindi lumahok o hindi nagpartisipa sa pagdedesiyon.

Tatlo ang nag-abstain na binubuo ng IOC representative to the Philippines na si Mikee Cojuangco pati na netball at dancesports. Ang POC Athletes Commission na sina Tokyo 2020+1 women’s weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz at swimmer Jessie Lacuna ay bumoto din na pabor sa desisyon ng POC Ethics Committee at Executive Board.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nadeklara ang pangulo ng athletics bilang persona-non-grata sa pribado na asosasyon sa sports matapos na unang maganap kay Go Teng Kok habang nasa panunungkulan ang dating POC president na si Jose “Peping” Cojuangco.

Ipinaliwanag naman ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na hindi na nito kikilalanin si Juico sa lahat ng aktibidad ng asosasyon bagaman kinikilala pa rin nito bilang lehitimong miyembro ang Patafa.

“Well, meron naman silang ibang opisyales tulad ng vice-president at chairman na puwedeng papalit. But when it comes to POC, hindi na kikilalanin anuman gawain niya,” sabi ni Tolentino. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.