Una sa Balita

POC chair Tolentino nanawagan ng halalan

0 290

MATAPOS ang biglaang pagbaba sa puwesto ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas,­ nanawagan si POC chairman Abraham Tolentino na magsagawa ng special election para sa mababakanteng puwesto ni Vargas.

Plano ni Tolentino na ilahad ang anunsyo sa gaganaping general assembly sa June 25.

Sa ilalim ng POC by-laws Article 7 Section 6 – ang special election ay maaaring isagawa sa panawagan ng chairman sa loob ng 30 araw matapos mabakante ang isang puwesto kung sakaling ang mga susunod na opisyal – 1st VP at 2nd VP – ay hindi kuwalipikado na maluklok kapalit sa puwesto.

Ang dalawang opis­yal ay kinakailangan na may kakayanang gampanan at may kuwalipikasyon para maging POC president. Kasama rito ang kuwalipikasyon na dapat sila ay may hawak na kasalukuyang puwesto bilang presidente ng Olympic sport-NSA.

Sa Article 7 Section­ 11, nasasaad na ang presidente ng POC ay kinakailangan na may apat na taong experience bilang NSA president ng isang Olympic sport sa araw ng eleksyon sa pagka-POC president, at kinakailangan na halal sila ng incumbent NSA presidents na rumirepresenta ng Olympic sport, karagdagan pa nito ay dapat silang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa mahigit na dalawang magkakasunod na taon sa araw ng halalan.

Si 1st VP Jose Romasanta ay vice president lamang ng volleyball, samantalang si 2nd Vice President Antonio Tamayo ay presidente ng Soft Tennis, na hindi naman Olympic sport. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy