Una sa Balita

PNR may libreng sakay

0 287

Sinimulan na ng Philippine National Railways (PNR) ang libreng sakay para sa ruta nilang Tutuban-Alabang.

Ito umano ay kasabay ng pag-testing nila sa mga 8100 Series of Diesel Multiple Unit train na binili sa PT Inka ng Indonesia.

Dumating sa bansa ang mga Inka train noong Pebrero 10 sa Port of Manila.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, ang unang 450 oras ng biyahe ng mga tren ay free-of-charge sa mga pasahero bilang bahagi ng common carrier status ng kompanya.

Kayang magsakay ng may 1,000 pasahero kada biyahe ang inilargang dalawang tren.

Habang nasa test period ang mga tren ay aalalayan ng mga tauhan ng PT Inka ang PNR personnel sa tamang maintenance ng mga tren maging kung paanong sosolusyunan ang magiging problema sa mga ito. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More