Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP: Walang profiling sa mga Leni-Kiko rally

0 50

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila isasailalim sa ‘profiling’ ang sinuman na lumalahok sa mga kilos protesta ng tambalan nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilingan laban sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Public Information Office (PIO) chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba na ikinalat ang mga pulis sa paligid ng Comelec upang masiguro na magiging maayos at mapayapa ang mga protestang isasagawa rito at hindi para mag-profile o mangolekta ng personal na impormasyon ng isang tao na maaaring gamitin sa iba’t ibang dahilan.

“The PNP has not given any directive to profile any personalities. The main duty of the PNP personnel deployed in these protest rallies is to ensure that the entire activity is peaceful and will not resort to violence or any untoward incident,” pahayag ni Alba.

Aniya, kasama rin sa tungkulin ng mga miyembro ng PNP tuwing may rally ang paghahanda ng situationer report kabilang ang bilang ng mga participant at pangkalahatang pagtaya sa mga aktibidad ng mga rali­yista para maging basehan nila sa mga ka­tulad na sitwasyon sa hinaharap.

Iginagalang umano nila ang karapatan ng mga supporter ng Leni-Kiko tandem sa paghahayag ng kanilang saloobin gayundin ang pagtiyak sa pagpapatupad ng maximum tolerance para maiwasan ang gusot sa pagitan ng mga pulis at raliyista. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.