Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP walang itatago sa DOJ

0 183

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang Department of Justice (DOJ) na rebyuhin ang mga kaso ng mga pulis na naabsuwelto sa kasong administratibo, ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar.

Target ng DOJ na muling pag-aralan ang kaso ng mga pulis na inabsuwelto ng PNP Internal Affairs Service (IAS) matapos masangkot sa anti-illegal drug operation kung saan may naitalang nasawi.

“Handa ang PNP na gawing available para sa review ng ahensiya ang alinmang case folder na hilingin nito. We submit to the wisdom of Justice Secretary Menardo Guevarra regarding this matter,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang isinumite ng PNP ang mga case folder sa DOJ na may kaugnayan sa kanilang anti-illegal drug operations kung saan may nasawi para isailalim sa pagrepaso at imbestigasyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.