Una sa Balita

PNP umaray sa SWS survey, war on drugs gagamitan ng social media

By ,
0 3

Hindi nagustuhan ng Philippine National Police (PNP) ang survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumabas na 54% ng mga Pinoy ay duda na nanlaban ang mga suspek na napapatay sa anti-illegal drugs operations ng kapulisan.

Kaya naman inamin kahapon ni PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na mahalaga ang media sa pagpapakalat ng impormasyon para maging mas epektibo ang programa sa war on drugs.

Bukod sa mainstream media na gaya ng diyaryo, radio, at telebisyon, sinabi ni Carlos na mas paiigtingin na rin ng PNP ang information dissemination sa social media partikular sa Facebook.

Abante Hiring – IT dep

Kailangan na rin aniyang gamitin ang social media dahil sa limitado ang mga espasyo at airtime sa mga mainstream media tungkol sa war on drugs.

Kumpiyansa si Carlos na epektibo ang nasabing paraan para malaman ng publiko na lehitimo ang lahat ng anti-illegal drugs operation ng PNP.

“We will do more information dissemination para factual `yung nala­laman at nakakarating sa kanila (publiko), at hindi base doon sa walang well information that does not undergo investigation, there is no witness account, there is no evidence,” sabi ni Carlos.