Una sa Balita

PNP umalma sa ‘Ang Probinsyano’

0 472

Mga netizen nanawagan sa MTRCB

Inalmahan ng maraming netizen ang naging rape scene sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na inere noong nakaraang July 15. Pinakita sa eksena na binitbit ng mga tauhan ni Bungo (played by Baron Geisler) ang dalawang babaeng pulis at nasa plano nilang abusuhin ang mga ito.

Nag-react din sa naturang eksena ang Philippine National Police or PNP dahil may violation daw na ginawa ang natu-rang programa.

Tweet ng @PNPhotline: “We are already looking into this if there is a violation specially the picture depicted in the scene is a police officer wearing PNP uniform and sadly, a ‘lady’ officer.”

Nagkaroon tuloy ng iba’t ibang reaction ang netizens na nakapanood sa naturang rape scene. Masyado na raw nagiging bayolente ang mga eksena ng FPJAP.

Sey ng netizen na si @speedystevie8: “#Angprobinsyano seems a bit too violent for prime time. Hope they be reminded there are a lot of young viewers at its time slot. #notoviolenceonprimetime #toomuchdepiction #mtrcb.”

Mula naman kay @Bluemoon5303, bakit daw pinapayagan ng MTRCB ang ganitong eksena sa primetime?

“Rape scenes of policewomen at 8:15 pm. I know it’s SPG but isn’t this something to look into @MTRCBgov? #FPJAP3Atake.”

Maging sa Facebook page ng AngProbinsyanoABSCBN2 ay tuloy-tuloy ang mga comment noong ma-upload ang teaser ng eksena. Sana raw ay naging sensitive ang show sa issue ng rape.

“Rape is a sensitive case nakakababa ng moralidad bilang lalaki at babae ang episodes niyo ke Baron Geisler sana na-ging sensitive rin kayo sa mga rape victims no wonder kung sooner or later unti unti ng bababa ang ra-tings niyo.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy