Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP tutok kahit alert level 2

0 100

Tuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standard at safety protocols ng Philippine National Police (PNP) sakaling ilagay ang National Capital Region sa alert level 2 ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar.

Ito ay makaraang ihayag ng Department of the Interior and Local Government na handa na ang mga alkalde sa Metro Manila sa posibleng pagbaba sa alert level 2 sa Nobyembre.

Tiniyak din ni Eleazar na hindi magpapakampante ang mga pulis sa pagpapatupad ng minimum public health standards kahit pa ibaba ang alert level sa Metro Manila.

“Anuman ang alert level na ipapatupad, laging nakahanda ang inyong PNP upang ipatupad ang mga alituntunin para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” saad ni Eleazar.

Kasalukuyang nasa alert level 3 ang Metro Manila hanggang sa Oktubre 31 na posibleng ibaba ng gobyerno depende sa maitatalang dami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.