Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP todo depensa kay Danao sa RAV4 driver

0 689

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na magkakilala sina PNP officer-in charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., at pamilya ng SUV driver na sumagasa sa gwardiya sa Mandaluyong City dahilan para nabigyan ito ng VIP treatment sa Camp Crame noong Miyerkoles.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, walang katotohanan na si Danao ang protektor ni Antonio Sanvicente, ang driver ng puting Toyota RAV4, na umararo kay Christian Floralde habang nagmamando ito ng trapiko sa Mandaluyong noong Hunyo 5 – kaya malakas ang loob nito na hindi lumutang matapos ang insidente.

Unang beses lang aniyang nagkita sina Danao at mga Sanvicente nitong Miyerkoles. May hiningan lang umano ng tulong ang mga magulang ng nanagasang driver para makausap si Danao tungkol sa pagsuko nito.

Samantala, nireres¬peto naman umano ni Danao ang mga opinyon ng publiko bagamat nais nitong klaruhin na hindi siya kailanman magi¬ging kunsintidor ng mga lumalabag sa batas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.