Una sa Balita

PNP satellite office ikakalat sa mga POGO hub

0 212

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa mga hotel at casino ma­nagement ng mga Phi­lippine Offshore Gaming Operations (POGO) para sa posibleng paglalagay ng PNP satellite office upang tutukan ang luma­lalang kidnapping case ng mga Chinese national sa kamay ng kanilang mga kababayan.

Bukod sa PNP satellite office, sinabi ni AKG Director Police Colonel Jonnel Estomo na magsasagawa rin sila ng awareness seminar sa kidnapping matrix at profiling ng mga suspek gayundin ang pagtalaga ng mga AKG personnel sa mga POGO hub.

“In addition, AKG through its Information, Education and Family Liaison Division (IEFLD) in coordination with hotels and casino management…and establishment of AKG advance post/satellite office and Chinese complaint desk inside and outside the casinos,” ani Estomo. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy