Una sa Balita

PNP sablay: Naga top 6 lang sa krimen

By
0 685

ITINAMA kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang naunang pahayag ni Director General Oscar Alba­yalde hinggil sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila na may pinakamataas na crime volume.

Base sa latest update na inilabas ng PNP Public Information Office, hindi panglima kundi nasa ikaanim na puwesto ang Naga City sa may pinakamataas na total crime volume sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila mula Enero hanggang Hulyo 2018.

Humihingi naman ng paumanhin ang PNP-PIO sa nauna nilang inilabas at inamin ang kanilang kamalian gayundin ang responsibilidad.

Samantala, naniniwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na banat sa kakayahan nito ang paratang na ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City.

“If she is the target, she is ready, but [Naga] should not be dragged into this because many people have put their stake here, many people have benefitted from the efficient administration of the city,” pahayag ni Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo.