Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP Region 3 tutugisin mga druglord sa Central Luzon

0 67

“We will hunt you down…and the authorities will never stop”.

Ito ang binitiwang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director Valeriano de Leon sa mga drug lords hinggil sa pinaigting pa na kampanya laban sa iligal na droga sa Region 3.

“Sa loob lang ng dalawang linggo, bilyon-bilyong pisong halaga na ng droga ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PNP, PDEA, BOC, at AFP dito sa pa lang Central Luzon”, ayon kay Gen. de Leon.

Paalala niya sa mga sindikato ng droga na nag-o-operate at nais magpuslit ng droga sa kanyang nasasakupan, “You can try but you will be caught by the long arm of the law”

Noong Biyernes, tatlong malalaking drug dealer ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Angeles City na magresulta sa pagkakakumpiska ng ilang gramo ng shabu na hindi bababa sa P20,000 ang halaga.

Biyernes din, naharang ng Customs at PDEA ang P7 milyong halaga ng shabu sa loob ng Clark International Airport mula sa bansang Malawi.

At noong nagdaang linggo, 500 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon ang na-intercept ng PNP, PDEA, AFP at Customs sa karagatan ng Zambales.

Makalipas ang isang araw timbog naman ang isang miyembro ng PNP Tarlac na sinasabing protektor ng droga sa lugar ay dalawa pang sibilyan na nahulihan din ng ilang gramo ng shabu at cash.

Leave A Reply

Your email address will not be published.