Una sa Balita

PNP pinuri ng US Embassy

By
0 5

Pinuri ng Embahada ng US ang Philippine National Police (PNP) sa matagumpay na operasyon nito laban sa mga nasa likod ng arms smuggling.

Sa inilabas na kalatas ng US Embassy, malaki ang pasasalamat nito sa PNP sa tulong ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE), Homeland Security Investigations (HSI), at Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms, and Explosives (ATF) sa Sacramento, Cali­fornia para madakip ang mga suspek na nakila­lang sina Elizabeth Grino at Ronie Velasco.

Sa ulat, nadakip sina Grino at Velasco sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City noong Hun­yo 8, 2017 matapos ang bentahan ng Glock full automatic firearms selector switches (SEARS) sa ilang buyers sa Estados Unidos.

Nadakip ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na walang itinatakdang piyansa.

Inihahanda na rin ng PNP, ATF, at HSI Manila ang kaso laban sa mga akusado na kinakatawan ang Royal City Tactical na nagma-manufacture at nagpapadala ng Glock full automatic SEARS sa Estados Unidos.