Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP, PDEA boss pinagharap sa Malacañang: Duterte inawat Kamara sa Mcdo drug bust

0 213

HUMIRIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na huwag munang ituloy ang imbestigasyon sa naganap na shootout sa parking area ng fast food chain na McDonald’s sa Commonwealth Avenue, Quezon City na kinasangkutan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na agad aniyang ipinarating sa mga mambabatas.

Sinabi ng kalihim na layunin nito na maayos na makapag-imbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI).

“Yes, just to give the NBI go investigate properly,” ani Roque.

Nitong Biyernes ay iniutos ng Pangulo sa PNP at PDEA na itigil na ang imbestigasyon ng joint panel na binuo para alamin ang puno’t dulo ng madugong engkuwentro na ikinasawi ng ilang pulis at ikinasugat ng iba pa.

Sinabi ni Roque na ang NBI na ang hahawak ng imbestigasyon para maiwasan ang mga malilikot na imahinasyon ng publiko at mga kritiko.

Samantala, agad namang tinugon ng Kamara ang direktiba ni Duterte.

“Please be advised that in light of Pres DU30’s instruction to the NBI to conduct an impartial investigation on the PNP and PDEA incident, our scheduled Committee hearing/investigation in aid of legislation on Monday, March 1, 2021, is temporarily suspended as a courtesy to and in order not to hinder the ongoing investigation… will keep you all posted on the developments,” ayon kay House Committee on Dangerous Drugs chair Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. (Aileen Taliping/Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.