PNP pabor sa ML extension

By ,

Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang kanilang posisyon na palawigin ang Martial Law sa Mindanao upang maaresto ang mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade na tumutulong sa Maute Group.

Aniya, nakasaad sa position paper na kanilang isinumite noong Biyernes sa Malacañang na palawigin ang Martial Law sa Mindanao subalit hindi sila nagbigay ng time frame kung hanggang kailan paiiralin ito.

Sinabi nito na kailangan pa ang Martial Law upang maaresto ang mga narco-politicians na nagbibigay ng ayuda sa Maute Group at para mapabilis rin ang pagtunton sa mga may hawak ng loose firearms.

Samantala, sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na naisumite na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang rekomendasyon nito kung dapat na bang bawiin o palawigin pa ang Martial law sa Mindanao.

Hindi isiniwalat ni Abella kung ano ang rekomendasyon ni Lorenzana subalit tiniyak na pag-aaralan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hintayin na lang aniya kung ano ang pinal na iaanunsyo ng Pangulo.

SHARE