Una sa Balita

PNP official sinabon nang matulog sa pansitan

By
0 390

GRABEEEEHHH as in grabe naman ang pagka-insecure nitong isang opisyal ng Phi­lippine National Police (PNP) sa pinalitan niya sa puwestong General.

Bakit kamo? Heto ang kuwento. Nitong nakaraang buwan ay itinaas ng PNP sa ‘heightened alert status’ ang Metro Manila kahit walang natatanggap na anumang banta sa seguridad.

Kasi, ayon sa Gene­ral na kina-iinsek­yuran ng ating bidang si Chief Supt., hindi maaa­ring ipagsawalang-bahala ang nangyaring pagsabog sa Basilan at mas makabubuti aniya kung nakahanda ang pulisya.

Natural kapag ‘heightened alert’, tututukan ng pulisya ang mga matataong lugar, gaya ng mga mall, palengke, terminal, pantalan, paliparan, bus terminal… etc.

Isang photo journalist ang nag-ikot sa Metro Manila para kumuha ng litrato pero nang mapadpad siya sa isang lungsod ay nakitang wala man lamang pulis na nakabantay sa isang bus terminal, kaya’t tumawag siya sa General.

Kaya nang mala­man ni General na walang pulis na nagbabantay sa bus terminal na under ni Chief Supt., tinawagan niya ito at sinabon. Sa galit naman ni Chief Supt., tinawagan naman nito ang photo journalist at ito ang sinermunan.

Pintahan n’yo na. Si Chief Supt. na sinabon ni General ay bihirang makontak sa cellphone at may letrang ‘S’ sa kanyang pangalan.