Una sa Balita

PNP official nagpapagawa ng bahay na ‘TY’ ang materyales

0 704

Alam niyo bang ang angas ng isang kontrobersyal na opisyal ng PNP na nagpapagawa ng bahay sa isang subdivision. Alam niyo kung bakit mga pare at mare?

Ayon sa aking bubwit, kumukuha ang opisyal ng construction materials sa hardware nang hindi nagbaba­yad. Ang petmalu mo sir.

Ayon sa aking bubwit, ang yabang ni sir kasi ang mga kinukuha niyang construction materials gaya ng mga semento, buhangin, bakal at iba pa ay TY lang at walang magawa ang may-ari ng hardware kundi kamot-ulo sa angas ni sir.

Siyempre mga pare at mare talaga namang mayayamot sa mayabang at abusadong si sir ang kahit sinong may-ari ng hardware na lumilibre eh ang mahal ng presyo ngayon ng mga materyales na ‘yan, matinding lugi nga naman ang aabutin ng kanyang negosyo.

Baka akala ni sir pres­yo lang ng mamam sa club o pagkain sa resto ang halaga ng construction materials na ‘yung marami ay dini-deliver ng maliliit na truck. Hindi biro ang halaga ng mga ‘yan sir lalo na sa panahong ito na ang laki ng demand sa mga materyales sa construction na nagpapataas sa presyo ng mga ito.

At ‘yun nga ang nangyari, nagreklamo na sa higher-ups ni sir sa Camp Crame ang negosyanteng kinukuhanan niya ng TY na construction materials, hindi na siguro nakatiis ang may-ari ng hardware sa abusadong PNP official. Hindi masisisi ang negos­yante, ‘yung minsanan na hingi masakit pero puwedeng palampasin eh paano nga naman kung maya’t maya ang panghihingi? Aray nakuuu.

Ang tanong ay kung may magagawa ba ang top brass ng PNP sa reklamo laban sa opis­yal na balitang malakas sa taas. Ang maangas, abusadong PNP official na kinatatakutan ng mga drug lord ay si Police Major E as in Echo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy