Una sa Balita

PNP, NBI, SEC sanib-puwersa vs mga investment scam

0 278

Ni Edwin Balasa

12 search warrant bitbit

NAG-IMPLEMENTA ng 12 search warrant ang mga awtoridad sa iba’t ibang grupo na sangkot sa investment scam, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay Brig. Gen. Ferdinand Divina, deputy director ng PNP Directorate for Intelligence (DI), nakipagsanib puwersa sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Security and Exchange Commission (SEC) upang mabuwag ang operasyon ng mga investment company at korporasyon na sangkot sa mga scam.

Kabilang sa mga iisyuhan ng search warrant ayon kay Divina ay ang mga kompanyang Organico Agribusiness Ventures Corp. na nakabase sa Cebu City; Ada Farm Agriventures sa Mandaue City, Cebu; Rigen Marketing at Ever Arm Any Marketing.

Ayon naman kay Maj. Gen. Amador Corpus, Director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), karamihan sa mga kompanya at kor­porasyon na target sa operasyon ay may mga initial permit mula sa SEC dahilan upang maikonsodera silang korporasyon.

Subalit paliwanag pa ni Corpuz na wala nang secon­dary permit ang mga ito kung saan kinakailangan para payagan sila para sa anumang klase ng ‘sale of securities’ o mas kilala sa tawag na investment.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy