Una sa Balita

PNP nakaalerto sa buong bansa

By
0 411

INILAGAY ng Philippine National Police (PNP) ang buong bansa sa heightene­d alert matapos ang madugong magkasunod na pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo kamakalawa nang umaga kng saan 20 ang nasawi habang 112 ang naitalang sugatan.

Ayon kay Sr. Supt. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang paglalagay sa heightened alert sa buong bansa simula alas-12:00 nang hatinggabi kahapon

“PNP Chief, Director General Oscar D. Albayalde has placed the entire PNP under nationwide Heightened alert effective midnight of January 27, 2019 in the aftermath of the Jolo Cathedral explosion that left at least 20 church goers and security forces dead and 112 others wounded,” saad sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ayon naman kay PNP Director for Operation, Police Director MaO Aplasca, ang kautusan ay kanya ng ipinadala sa lahat ng mga regional director upang masigurong hindi na mauulit ang ganitong pagpapasabog sa ibang lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy