Una sa Balita

PNP nakaalerto sa bagyong Ramon

0 479

Inatasan na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng local police at maritime unit sa lugar na dadaanan ni bagyong Ramon na maging alerto.

Sa statement na inilabas ni PNP Spokesperson Police Brig Gen. Bernard Banac, nakasaad dito na dapat nakaalerto ang PNP na magbigay ng assistance sa local government unit (LGU) kung kakailanganin.

“The PNP has directed all local police and maritime units having jurisdiction in areas where Tropical Depression ‘RAMON’ is expected to pass anytime,” pahayag sa statement na ipinalabas ni Banac kahapon.

Kasabay nito ay tiniyak ng PNP sa publiko na la­ging handa ang kanilang hanay na rumesponde sa kahit anong emergency disaster o kalamidad upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“To be alert and vigilant, and ready to provide assistance to the LGUs, DRRMCs, and the people anytime when needed. We assure the public that the PNP is always prepared to respond to any emergency, disaster or calamity to ensure safety and security of our people,” dagdag ni Banac.

Mababatid na kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan ay Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon. Kabilang din ang Eastern Samar at Northern Samar. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy