Una sa Balita

PNP naka-full alert sa Kapaskuhan

0 288

Naka-full alert ang Phi­lippine National Police (PNP) para sa 21-araw na Paskuhan 2019 na kung saan 69,335 PNP personnel ang idi­neploy katuwang ang 157,264 force multiplier­s ng law enforcement and public safety operations.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Archie Gamboa, inatasan na ang lahat ng kapulisan sa Luzon at Visayas na ikasa ang full alert status para sa 21-araw na holiday season ng December 15, 2019 hanggang January 5, 2020.

Ito ay base sa PNP Command Memorandum Circular “Paskuhan 2019” kasabay ng paglulunsad ng Enhanced Managing Police Ope­rations (E-MPO) Stra­tegy para matiyak ang kaligtasan at seguridad na dapat na manduhan.

Kabilang na dito ang pagpapakalat ng mga pulis na itatalaga sa community firecracker and display zones, assistance hubs, mga simbahan, commercial center, road safety point, sea port, train station, at airport.

Mayroon ding naka-monitor sa anti-crimi­nality operations at kampanya laban sa motorcycle-riding suspects, at iba pang krimen.

Kasado na rin ang PNP para tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa mga dadalo sa simbang gabi.

“We do not really anticipate major peace and order issues during the Yuletide Season, but, we are deploying more policemen in the field as a crime prevention measure,” ayon kay Gamboa. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy