Una sa Balita

PNP nagsalita sa kaso ng 4 mayors

By ,
0 34

Tiniyak ni P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3) na patas at mali­nis ang kanilang gagawing imbestigasyon sa kaso ng apat na mayor sa Central Luzon na tinanggalan ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Department of Interior and Local Goverment (DILG) ng police power gayundin ng security detail dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na gawain.

“The move of the PRO3 to recall all PNP personnel in security detail with four Central Luzon local chief executives was in accordance with the NAPOLCOM resolution to strip off their supervision powers over police units and the withdrawal of their deputation as NAPOLCOM representatives, following their alleged involvement in illegal activities which constitute act inimical to national security or negate the effectiveness of the peace and order in the country,” bahagi ng pahayag ni Corpus.

Sa pinakahuling ulat, ang police security detail ni Angeles City Mayor Ed Pamintuan ay ibinalik sa da­ting assignment ng mga ito habang ang security ni Concepcion, Tarlac Mayor Andy Lacson at Camiling Mayor Erlon Agustin ay na-reassign sa mga police stations na kulang sa tauhan.

Inilipat naman sa Regional Holding Unit ng PRO3 ang tauhan ni Subic Mayor Jefferson Khonghun.

Samantala, kinuwestiyon ni Mayor Khonghun ang resolus­yon na ipinalabas ng NAPOLCOM kung saan idinadawit siya sa ‘narco politics.’

Sa idinaos na press conference kahapon, sabi ni Khonghun na gagawa sila ng mabilisang hakbang upang matanggal sa listahan ng ‘narco politics’ ang kanyang pangalan na tila hindi umano validated at dumaan sa masusing beripikasyon.