Una sa Balita

PNP nagpasalamat sa publiko sa pagsunod sa ECQ

0 387

Nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa publiko dahil sa ipinamalas na pagtugon sa ipinatupad na enhanced comnunity quarantine sa buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng cironavirus disease 2019.

Sa Laging Handa press briefing , sinabi ni PNP Spokesman Bernard Banac na positibo ang ipinakitang pagtugon ng publiko sa mga ipinatupad na paghihigpit lalo na sa mga checkpoint at quarantine control stations.

Bagamat mayroon aniyang mangilan-ngilang pasaway, sinabi ni Banac na sa kabuuan ay maayos na sumunod ang publiko sa mga ipinatutupad na mga polisiya para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

“Maganda na ang situation, nag-settle down na ang lahat, ang ating quarantine control stations ngayon ay maluwag na at bilang na bilang na lamang ang mga sasakyan sa labas. Everybody has settled down kaya saludo kami sa publiko sa ipinakitang kooperasyon,” ani Banac.

Lahat aniya ng delivery trucks na nagdadala ng mga pangunahing bilihin ay tuloy tuloy ng nakakadaan sa nga checkpoints.

Pati aniya ang mamamayan na nais lumabas ay nabawasan na at halos wala na silang makita sa mga pampublikong lugar.

Dahil dito sinabi ng opisyal na ang mga residential areas naman ang kanilang tututukan para magpatupad ng kaayusan, pati na ang commercial areas sa Luzon.

“Nag-shift na tayo ngayon. Bibigyan naman natin ng pansin ang ating maintenance of order sa lahat ng ating residential areas, commercial areas,” ani Banac.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More