Una sa Balita

PNP nagpaalala sa mga Christmas online shopper

0 285

NAGPAALALA ang Philippine Natio­nal Police sa mga consumer na mag-ingat sa pamimili online ngayong Kapaskuhan matapos lumobo ang bilang ng mga nagrereklamo sa anti-cybercime office.

“Malapit na kasi ang Pasko, kaya dumadami na naman ang complaints on online crimes,’’ ayon sa desk offi­cer ng PNP-ACP.

Karamihan umano sa mga nabibiktima ay yaong parokyano ng online shopping.
“Consumers should stick to legitimate sites and only deal with them,’’ ayon sa PNP.

“The victims are those who usually directly deal with a personal sellers, buyers are safer with known sites,’’ dagdag pa ng pulisya.

Ang sumunod sa listahan ng may maraming nabibiktima ay sa ‘double your money scam’.

“The lure of easy money and high returns attracts victims,’’ paliwanag ng pulisya
Karamihan sa inirereklamo sa online shopping ay ang hindi pagdeli­ver ng biniling produkto at sa mga depekto.
Pinayuhan ng PNP-ACD ang mga consumer na suriing mabuti ang background ng kompanya bago bumili ng kanilang mga itinitinda. (Nancy Carvajal)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy