Una sa Balita

PNP nagdagdag ng puwersa sa Mindanao

By
0 381

MATAPOS ideklara ng Comission on Elections (Co­melec) ang buong Mindanao bilang hotspot nga­yong darating na eleksyon, nagdagdag ng puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa rehiyon.

Magpapatupad ang PNP ng mga kaukalang adjustment sa kanilang deployment bilang pagtalima sa pagdeklara ng Comelec sa buong Mindanao bilang election hotspot.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac kasabay ng pagtiyak na puspusang gagampanan ng PNP ang mandato nito na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa panahong patu­ngo sa halalan sa Mayo.

Sa deklarasyon ng Comelec, ang buong Mindanao ay na-classify bilang category red election hotspot.

Ito’y dahil sa mga election related incident sa nakalipas na dalawang halalan, kasabay ng seryosong banta mula sa New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG), at ‘rogue elements’ ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Isla­mic Liberation Front (MILF), at mga iba pang armadong grupo.
Kasama din sa category red ang Jones, Isabela; Lope de Vega, Northern Samar at buong probinsya ng Abra.

Ang mga lugar na kabilang sa category red ay maaaring isailalim sa Comelec control anumang oras at maaaring atasan ng Comelec ang PNP at AFP na magdagdag ng puwersa sa mga lugar na ito kung kakailanganin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy