Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP maritime chief , sarhento timbog kotong

0 697

Arestado ang hepe ng Maritime police sa Masbate City at isa nitong tauhan sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos kotongan ang P200,000 ng may-ari ng isang fishing boat na kanilang hinuli kapalit ng pagpapalaya ng mga hinuling tauhan at ng fishing boat.

Kinilala ni PNP-IMEG Chief Police Brig. Gen. Ronald Lee, ang mga suspek na sina Police Major John Murray Cutaran, hepe ng 502nd Maritime Police Station (MARPSTA) na nakabase sa Masbate City, at tauhan nitong si Police Staff Sgt. Rommel Naval.

Ayon kay Lee, ang mga suspek ay inaresto matapos magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng IMEG kasama ang lokal na pulisya dakong alas 8;25 ng umaga nitong Linggo sa loob mismo ng tanggapan ni Cutaran sa 502nd MARPSTA na matatagpuan sa ier Site sa Barangay Bapor ng nabatid na lungsod.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek matapos na humingi ng tulong ang may- ari ng F/B RAV na taga Bantayan, Cebu na hinuli ng mga suspek sa Masbate City at ikulong ang 28 mga tauhan nito.

Napag-alaman na unang humingi ng P400,000 ang grupo ni Cutaran sa may-ari ng bangka na bumaba ng P200,000 kapalit ng pag-release ng fishing boat at pagpapalaya sa mga nakakulong na tauhan nito.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay nakipag-ugnayan na ang boat owner sa IMEG sa sa lokal na pulisya sa Masbate City ay isinagawa ang entrapment operation dahilan ng pag-aresto ng mga ito matapos tanggapin ang P200,000 boodle money.

Samantala dalawang tauhan pa ni Cutaran ang pinaghahanap pa ng pulisya na nakilalang sina Lt. Melencio Huela at PSSg Ronald Puerto.

Dinala ang mga nadakip na pulis sa Masbate Police Provincial Office (PPO) para sa booking at dokumentasyon para sa pagsampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga ito. ( Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.