Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP kasado sa balik paghihigpit

0 35

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng mas istriktong mga patakaran kasunod ng pagbabalik sa Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, hindi na bago para sa kapulisan ang kanilang mga gagawin at dapat alam na rin ng publiko ang mga puwede at hindi maaaring gawin sa ECQ.

Nilinaw ni Eleazar na sa ilalim ng Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay susundin nila ang mga lokal na pamahalaan LGU na mga paghihigpit o restriksiyon sa bawat quarantine status.

“Ang dapat tandaan ng ating kababayan na ang ECQ ito ang pinakamahigpit kung saan only essential establishments, industries ang magkakaroon ng operation,” ayon kay Eleazar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.