Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP kasado na sa unang SONA ni PBBM

0 111

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa paglalatag ng seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Batansang Pambansa ngayong buwan.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano De Leon, may bentahe ang maaga nilang paglalatag ng security plan sa SONA ng Pangulo upang mapag-aralan nila ang mga sitwasyon sa loob at labas ng pagdarausang lugar.

“We want to prepare as early as possible so that we can have the best security measures for the SONA. We want to come up with a good template, a good security plan that we will present to our PNP OIC (officer-in-charge) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. for review and approval,” ani De Leon sa isang pahayag.

Tiniyak din ni De Leon na personal niyang pamumunuan ang gagawing paghahanda. Rerebyuhin din nila aniya ang security plan ng huling SONA ni dating Pangulong Roodrigo Duterte para makagawa sila ng adjustment kung kailangan.

“For this year, I will personally supervise the preparations to come up with the best security plans that will be implemented for the first SONA of our President Bongbong Marcos,” dagdag ni De Leon.

Kasama aniya rito ang pakikipag-usap sa mga magsasagawa ng kilos protesta kung saan ay papayagan lang sila sa mga freedom park para sa kanilang programa.

Nirerespeto umano nila ang karapatan ng mga raliyista pero hindi papayag ang PNP na lumikha sila ng kaguluhan lalo sa daloy ng trapiko sa Metro Manila. Hindi rin umano nila oobligahin ang mga ito sa permit basta hindi sila maaaring lumagpas sa mga itinakdang lugar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.