Una sa Balita

PNP-HPG maninita sa mga trak na may pagkain

0 400

Inatasan ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na siyang mag-inspeksyon at sumita sa mga cargo trucks at iba pang mga sasakyang may dalang pagkain habang umiiral ang Luzon wide enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) kahapon.

“The objective here is to ensure that deliveries of food and other basic goods are not subjected to unnecessary and redundant inspections which are the usual reason for the delay,” ito ang pahayag ni PNP deputy chief for operations at JTF CV Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang statement.

Base sa plano ng JTF CV Shield, ang PNP-HPG ang naatasang maglagay ng Dedicated Control Points (DCP’s) sa mga provincial boundaries at iba pang strategic na lugar kung saan madalas na bumibiyahe ang mga cargo upang hindi maantala ang biyahe at pag-deliver ng pagkain ng mga ito.

Bukod dito, exempted din sa Quarantine control points na binabantayan ng mga pulis ang mga delivery trucks, vans, mga pampasaherong dyip na mayroong dalang pagkain.

“HPG units were also given the leeway to set up DCPs in areas which they deem strategic, it does not necessarily mean that the DCPs will only be set up on provincial boundaries. But what is important is this rule: Cargo vehicles will only be inspected at HPG-manned and HPG-supervised Dedicated Control Points, and inspection will only be done if necessary,” dagdag ni Eleazar.

Sinabi pa ni Eleazar na sinabihan na ni PNP chief General Archie Gamboa ang mga team leader ng PNP-HPG na magmamando ng DCPs na magsagawa ng koordinasyon sa local commanders, partikular sa mga Provincial Directors para maging maayos ang panuntunan sa nasabing kautusan. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More