Una sa Balita

PNP hinikayat ni Balutan vs illegal gambling operators

0 7

Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Philippine National Police (PNP) na harapin ang suliranin sa iligal na sugal sa halip na ligaligin ang mga Authorized Agent Corporations (AACs) na siyang awtorisado ng PCSO na maglaro ng Small Town Lottery (STL) sa bansa.

Sinabini PCSO General Manager Alexander Balutan na magiging epektibo at makakakuha ng positibong resulta ang PNP kung sila ay magsasagawa ng mga tunay na operasyon laban sa mga sindikato ng iligal na sugal sa halip na i-raid ang mga awtorisadong STL operators na nagpapatakbo ng mga lehitimong negosyo.

“We are aware that STL is being used and abused by some illegal gambling operators to legitimize their business, that they have been using it as a front to cover their illegal operations, that is why we are urging the PNP to do their job to go after these gambling lords who are using PCSO products as cover for their illegal operations,” sabi ni Balutan.

Ayon kay Balutan, ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay dapat arestuhin ang mga sindikato sa pagsusugal na patuloy na ginagamit ang STL, kabilang ang ilang mga STL collectors na nagsasagawa ng mga illigal na bookies at tila kumpiyansa na hindi sila maaaresto at malayang makakapagpatakbo ng mga illegal numbers game sa ilalim ng STL bilang panakip sa kanilang mga ilegal na gawain.

Nagsalita si Balutan pagkatapos malaman ang reklamo ni Rep. Henry Oaminal sa Misamis Occidental noong nakaraang Miyerkules, natalamak pa rin ang iligal na sugal sa probinsya ng Mindanao, partikular sa kanyang distrito.