Una sa Balita

PNP full alert ngayong Semana Santa

0 272

ISINAILALIM sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) simula kahapon, Abril 17, dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal, pantalan at iba’t ibang mga pasyalan katulad ng mga sikat na beach resort at mga lugar kung saan nag no-novena ang mga deboto ngayong Holy Week.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, mula heightened alert ay itinaas na sa full alert status ang antas ng seguridad kahapon sa karamihang lugar sa bansa.

“Kapag sinasabing full alert status lahat ng personnel natin should be accounted 100 percent. All the leaves are cancelled except for those that are emergency in nature. Lahat po ng pulis natin are present in their different offices and stations kung kinakailangan. Dito sa NCRPO is under full alert status. Sa iba naman especially those na hindi naman puntahan ng mga tourist natin heightened alert lang. In all other regions lalo na ‘yung maraming tourist destinations they are on full alert status,” paha­yag ni Albayalde.

Samantala matapos mag-inspeksyon sa bus terminal sa Araneta Center ay kumpiyansa si Albayalde sa security preparations na inilatag ng PNP ngayong Holy Week.

Bukod sa PNP ay isinailalim din ng Department of Interior and Local Government sa full alert status ang Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

“Bawal muna magpahinga sapagkat ang Semana Santa ay panahon din ng mga mapagsamantala,” saad ni DILG Sec. Eduar­do Año. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy