Una sa Balita

PNP, DOJ kinalampag sa Sagay massacre

By
0 227

Nanawagan ang ilang senador at kongresista sa malalimang imbestigasyon sa pagmasaker ng siyam na sakada o magsasaka ng tubuhan sa Sagay City, Negros Occidental noong Sabado nang gabi.

Iginiit nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Leila de Lima at JV Ejercito ang agarang imbestigasyon sa pagpatay.

Anila, dapat na manghimasok agad ang Phi­lippine National Police (PNP) para simulan ang imbestigasyon sa kaso.
“I note a few positive developments consis­ting of the willingness of the landowner to talk with government, specifically the PNP and the offer of huge rewards by Gov. Mara and his son, who is the mayor of Sagay City. I hope that these will lead to the early resolution of the case and killers be brought to the bar of justice,” sabi ni Zubiri.

“The gruesome slaughter of the sugar wor­kers should be investigated, and calling on PNP Chief Director General [Oscar] Albayalde to give prompt action,” giit rin ni Ejercito.

Kinalampag naman ni Deputy Majority Leader at Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang DOJ na kagyat na umakto para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Hindi aniya ordinaryong krimen lamang ang nangyari kaya nararapat na igawad ang maximum penalty sa mga salarin.
Wala na aniyang iba pang masasandalan ang pamilya ng mga biktima kundi ang pamahalaan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy