Una sa Balita

PNP, DENR kinalampag ng PACC sa illegal reclamation sa Pangasinan

0 629

PINAAAKSYUNAN ng Presi­dential Anti-Corruption Commission (PACC) ang reklamo ng forced eviction, illegal reclamation, hindi pagbibigay ng benepisyo sa mga senior citizens, at umano’y patayan sa Pangasinan na nabunyag matapos ang Regional Forum sa Lingayen kahapon.

Ayon kay PACC Chairman Secretary Dante Jimenez, ang lahat ng mga nasabing reklamo ay mula sa Bolinao.

“Agarang aksyon ang hiningi namin sa mga regional directors ng Phi­lippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang concerned agencies na dumalo sa regional forum para maimbestigahan ang mga reklamo ng mga taga-Bolinao,” ani Jimenez.

Kabilang sa mga reklamo ay mula sa pamilya ng 139 na mangingisda na pinaaalis sa baybayin ng Bolinao dahil sa umano’y “massive reclamation pro­ject” ng lokal na pamahalaan sa kanilang baranggay.

Tiniyak naman ng opis­yal na agad aaksyunan ng PACC ang mga umano’y pang-aabuso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy