Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP COVID case sumirit

0 153

Karagdagang 51 na miyembro ng Philippine National Police ang kumpirmadong bagong kaso ng coronavirus o Covid-19.

Dahil dito, umakyat na sa 6,347 ang kabuuang kaso ng mga pulis na may COVID-19. Nanatili naman sa 20 ang mga namatay. Habang aabot sa 90 ang dagdag na mga gumaling mula sa nakamamatay na sakit, kasunod nito, pumalo na sa kabuuang 5,456 ang bilang ng mga nakarekober.

Kasalukuyang may 871 na aktibong kaso ng COVID sa PNP. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.